ylliX - Online Advertising Network
Babae, patay matapos pagbabarilin umano ng karelasyon sa kaniyang bahay sa Abra

Babae, patay matapos pagbabarilin umano ng karelasyon sa kaniyang bahay sa Abra


Patay ang isang 39-anyos na babae matapos na pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Tayum, Abra. Ang suspek sa krimen, ang kaniya umanong karelasyon.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Florida Teneza, na pinagbabaril sa kaniyang bahay sa Barangay Bagalay, nitong Linggo.

“Pumunta tayo sa area, nakita natin yung biktima na nakahandusay na at naliligo sa sariling dugo,” ayon kay Police Captain Michael Joe Dasalla ng Tayum Police Station.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Bobby Briosos, matapos isagawa ang krimen pero nahuli rin siya ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Hinihinala ng mga awtoridad na selos ang posibleng motibo sa krimen.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa reklamong murder.–FRJ, GMA Integrated News



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *