Nilagot ng libero na si Angelique ‘Jheck’ Dionela ang mahabang pagsisilbi sa Cignal nang lumipat sa nagpapalakas na isa sa pinakabatang team sa Premier Volleyball League na Farm Fresh.
Siya ang pinakamatagal na player sa isang club team sa liga. Naka-11 taon sa HD Spikers tungo sa pagbabu para sa Foxies na papalag sa 8th PVL All-Filipino Conference 2024-25.
Nasa Cignal na ang beteranang libero mula pa sa nabuwag na Philippine Superliga noong 2013 hanggang sa nakailpas na maka-silver medal sa team sa huling PVL Invitational Conference.
“After a long and historic run as an HD Spiker, proficient libero Jheck Dionela is ready to add a new chapter to her tale as she brings her talents to the orange side of things,” ayon sa Farm Fresh. “The newest Foxy in town is fast, slick, and bursting with experience.”
Makakasama ng 4-foot-11 volleybelle sina datingvvolleyball teammate Jovelyn Gonzaga na kamakailan ay pumirma rin ng kontrata sa Foxies bago nitong Sabado si Dionela.
Si Dionela ay bahagi ng dalawang runner-up finish ng Cignal sa 2022 Reinforced at sa Invitational Conference ngayong taon, kung saan natalo sila sa Creamline.
Ang HD Spikers ang may pinakamaraming bronze sa liga na may lima.
Sasandal din ng Cignal si Dawn Macandili-Catindig, na pumirma sa kanila noong Disyembre at na-convert na libero na si Judith Abil para protektahan ang sahig.
Dadalhin ng 33-anyos na si Dionela ang kanyang husay sa depensa sa bagong kampokasangga sina libero Janel Delerio at spikers Trisha Tubu, Caitlin Viray, at nasugatan sina Jolina Dela Cruz, Rizza Cruz at setter Louie Romero.
Hindi pa nakakaabot ang Farm Fresh sa semis ng PVL mula nang sumali noong nakaraang taon. Pumasok sila sa Reinforced quarterfinals para lang matanggal ng finalist Akari. (Lito Oredo)