ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

House panel ipina-subpoena 6 `bata’ ni VP Sara Duterte


Inaprubahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagpapalabas ng subpoena ad testificandum laban sa anim na opisyal ni Vice President Sara Duterte na nabigong dumalo sa pagdinig nitong Huwebes, Oktubre 17.

Bukos sa pagpapalabas ng subpoena, inatasan ng chairperson ng komite na si Manila Rep. Joel Chua ang committee secretariat na makipag-ugnayan sa Bureau of Immigration at Department of Justice para sa pagpapalabas ng lookout bulletin laban kina Atty. Zuleika Lopez, Atty. Lemuel Ortonio, Atty. Rosalynne Sanchez, Gina Acosta, Juleita Villadelrey, at Edward Fajarda.

Sa nakaraang pagdinig, nagpalabas ang komite ng show cause order laban sa nabanggit na mga opisyal upang magbigay ng paliwanag sa kanilang hindi pagdalo.

Si Lopez ang chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) samantalang si Ortonio ang assistant chief of staff at chairperson ng Bids and Awards ng OVP.

Habag si Sanchez naman ang Director for Administrative and Financial Services ng OVP at si Acosta ang Special Disbursing Officer.

Si Villadelrey ang chief accountant ng OVP samantalang si Fajarda ang special disbursing officer ng Department of Education (DepEd), at ngayon ay nasa OVP na.

Iniimbestigahan ng komite ang iregularidad sa paggamit ng budget ng OVP at DepEd noong pinamumunuan pa ito ni Duterte. (Billy Begas)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *