ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Paeng Are, Nikko Aguilar ikinalas na ang Stags sa 8 sunod na olats


STANDING

TEAM W L

CSB 9 2

MU 8 3

SBU 7 4

CSJL 6 5

LPU 6 5

EAC 5 6

UPHSD 5 6

JRU 3 8

AU 3 8

SSC-R 3 8

Mga laro sa Biyernes

(Filoil Ecooil Arena)

12 nn. – SBU vs UPHSD

2:30 pm. – MU vs CSJL

Umalpas na sa eight-game skid ang San Sebastian Golden Stags sa bangis nina Rafael ‘Paeng’ Are at Ameer Nikko ‘Nico’ Aguilar sa 87-85 makapigil-hiningag panalo kontra Jose Rizal Heavy Bombers sa NCAA Season 100 Men’s Basketball Tournament second round eliminations nitong Miyerkoles ng hapon sa Filoil Ecooil Arena.

Kayod buong sagupaan si Are na umiskor ng 28 rekado ang 5 rebounds, 3 assists at 1 steal sa pag-angat ng SSC-R sa kartadang 3-8 (win-loss), binuhulan sa eight spot ang biktima at Arellano Chiefs.

Nagtala si Aguilar ng 13 points kasama ang panelyong tres para sa Quiapo-based squad na iginanti ang

90-74 defeat sa mga basketbolista ng Kalentong sa first round noong Sept. 18, 90-74.

Abante ang Baste ng 17 pts., pero nalusaw ito at naitabla ng JRU sa 83 ang salpukan – bago ang panalbang clutch three-pointer ni Aguilar.

Dehins naglaro si Louie Gonzales na ginamit ang one-game suspension dahil sa pagkompronta sa game officials sa 75-71 loss ng JRU sa Mapua Cardinals noong Sabado.

Iskor

SSC-R – 87 Are 28, Escobido 17, Aguilar 13, R. Gabat 11, Felebrico 8, L. Gabat 5, Velasco 2, Ricio 2, Cruz 1, Suico 0, Pascual 0.

JRU 85 – Raymundo 20, Argente 20, Guiab 17, Sarmiento 8, Lozano 7, Barrera 4, Panapanaan 2, Bernardo 2, Pangilinan 2, Garcia 2, De Jesus 1, De Leon 0, Benitez 0, Ferrer 0.

Quarters: 28-14; 42-36; 64-56; 87-85. (Elech Dawa)



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *