ylliX - Online Advertising Network
Abante Tonite Logo

Krudo, gasolina sisirit presyo ng higit P2


Magkakaroon ng panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng industry sources, sisirit ng mahigit P2 ang dagdag-presyo sa krudo at diesel.

Posibleng pumalo umano sa P2.50 o higit pa ang presyo sa kada litro ng krudo.

Nasa P2.30 hanggang P2.50 kada litro naman ang maaaring taas-presyo sa gasolina.

Kinumpirma na rin ng Department of Energy (DOE) ang panibagong price adjustment sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ipapatupad sa susunod na linggo o sa darating na Martes, Oktubre 15 ang taas-presyo sa langis.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *