Sorpresang pinaamo nina Honey Grace Cordero at Kat Epa ng National U sina Sofiah Pagara/Khy Progella ng Santo Tomas, 21-16, 19-21, 15-11, para magkampeon nitong Martes sa 87th UAAP Women’s Beach Volleyball Tournament sa Sands SM By The Bay sa Pasay.
Binalikat ni Cordero ang Lady Bulldogs sa dulo ng labanan pagkabanta ng UST sa 9-10, siya pagkaraan ang hinirang na Most Valuable Player sa hablot na unang korona ng kanyang kampo, at denayin ang Tiger Sands sa ika-10 titulo.
“Sobrang saya po nanalo kami ng championship against UST dahil defending champion po sila. May pride po sila para maipaglaban ang championship,” kuda ni Cordero. “Pero hindi kami sumuko at ipinaglaban namin kung ano ang dapat ipinaglaban.”
Sa men’s division, kinalos nina MVP Dominique Gabito at Alche Gupiteo ang Bulldogs, 21-13, 21-16, para six-peat at pangsiyam na kampeonato sa pangkalahatan ng USTe. (Abante Tonite Sports)